Life is not just worth LIVING. It's worth SHARING.

Tuesday, March 07, 2006

MABUTING PRESIDENTE SI ATE GLO. BOW.

Hay naku... matagal na ang panahong nagdaan mula noong huli akong nagpakita dito... hehehe

anyways... Weirdo talaga si Gloria. Super!

1. Paranoid na si Ate Glo
State of National Emergency?! Natatakot ba siyang mapalayas? Eh wala naman siyang ginagawang masama :)

2. Pulitiko na talaga si Liit
Napanood nyo ba yung interview niya kay Mike Enriquez na 'hinigup-higop' niya? bwahaha... may sinabi siya na kaya #1 ang GMA over ABS dahil sa kanilang patas na pamamahayag? ows? Baka naman naeepalan lang siya sa patutsada sa kanya? Eh ang tanong: bakit naman siya papatustsadahan kung wala siyang ginagawang masama diba? :) Ang kulit talaga ng media.

3. Best actress na talaga si Nora look-alike
Biruin nyo may pabisita-bisita pa siya sa Manila Bay noong State of Emergency. Palakad-lakad. Para bang walang problema. Everything is all right. Yun ang sabi niya. Hyukhyukhyuk. If I know, di na yan makatulog sa gabi. Ay baka hindi naman! Wala naman siyang ginagawang masama eh :)

Alam naman nating lahat na walang ginagawang masama si Gloria. Anong ba naman ang masama sa manloko ng mga Pilipino? ang paglaruan at kontrolin ang media? and pagdadamputin ang kanyang kalaban? ang sirain ang demokrasyang matagal ipinaglaban ng ating mga ninuno?

Wala diba? Eh bakit nagiging weirdo ata siya? 'Ba malay ko. :)

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

you are so sarcastic dear byron Ü

10:49 PM

 
Anonymous Anonymous said...

yay.... :)

8:42 AM

 
Anonymous Anonymous said...

write more

11:23 AM

 

Post a Comment

<< Home