Life is not just worth LIVING. It's worth SHARING.

Thursday, July 21, 2005

GULO SA ISIPAN.

Paiba-iba ang damdamin ko sa kolehyo. Minsan masaya. Minsan malungkot. Para bang wala pa kong kasiguruhan sa aking kapaligiran. Sabagay, di pa talaga natin alam kung ang mga kasakasama natin ngayon ay magiging kaibigan nating tunay o hindi. Para bang ang lahat-lahat ay napapaloob pa sa isang madilim na ulap kaya di natin malaman kung ano ang dapat maramdaman. Nung bakasyon, naisip ko na mangyayari ito, kaso nga lang, iba na talaga kung naroroon ka na sa mismong sitwasyon.

Nakakapanghina minsan ang ganitong kalagayan. Kahit ba nakatutok ka sa pag-aaral, hindi sapat ang mga magagandang grado para mapasaya ang sarili. Mas importante talaga ang maramdaman na parte ka ng mundong ginagalawan mo. Hindi sapat ang pamamalagi mo kung wala kang naibabahagi.

Kung minsan nga, tinatanong ko ang aking sarili kung ano nga ba ang parte ko sa kapaligiran ko. Hindi ko masagot.

Noon pang high school hanggang ngayong kolehyo na ako, may mga oras na talagang napapatigil ako, napapaisip at nalulungkot. Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ang lungkot na ito pero ang alam ko ay para parin akong paru-parong nagiisa sa bukid na walang kalalagyan. Kung minsan, ramdam ko nang parte ako ng isang kabuuan pero kapag tumahimik ang paligid, maaalala kong nagiisa parin ako.

Tunay nga na ang pag-iisa at ang buhay ay iisa. Ang buhay ay sarili lang nating tinatahak. Saan man tayo lumingon, nag-iisa lang talaga tayo. Mahirap tanggapin. Kaya nga katotohanan eh.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home