PILIPINAS: ANG PAGPUKAW SA ILAW.
Pagbalot ng Dilim
Pilipinas kong bayan, takda sa alamat
Ang iyong araw na dati'y sumisikat,
Saklaw noon ang lupa't dagat
Ng gintong liwanag na walang katapat.
Noo'y binalot ng ilang daang taon
Pero di rin naglaon Siya'y nakabangon;
Bumalik ang liwanag ng gaya noon;
Tumindi pa ang sikat sa Bagong Panahon.
Masdan and muling paghimlay ng butihing liwanag.
Hindi bumabalik kahit ano mang tawag.
Noo'y Siya ang binalot; Siya ang inapi.
Ngayo'y Siya ang nagtakip sa kanyang sarili!
Pilipinas kong bayan, takda sa alamat
Ang iyong araw na dati'y sumisikat.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home